Ano ang bago?

What's new

Bahagi ka ng pandaigdig na survey community, na pinagkakaisa ang lahat ng bansa at rehiyon sa ilalim ng bagong pangalan: ang Ipsos iSay! Nananabik kaming i-welcome ka sa aming bagong website!

Makakasagot ka pa rin ng mga survey kahit nasa lakad sa pag-access s ipsosisay.com sa iyong mobile browser.

Paano nagbago ang impormasyon sa profile ko?

Makikita mo na ngayon ang lahat ng sagot sa mga tanong sa iyong profile. Magagawa mo ring i-update ang iyong profile at palitan ang iyong mga sagot sa sarili mong oras, dahil may mga nangyayari sa buhay.

Paano nagbago karanasan sa survey?

Magsaya sa pinagandang karanasan sa survey, batay sa iyong profile! Kapag mayroon kaming mga available na survey, ino-notify ka namin sa email. Anumang oras na handa ka nang magsimula sa isang survey, pipiliin namin ang pinakamabuti para sa iyo.

Hindi available ang sumusunod na mga program:

  • Mag-refer ng Kaibigan
  • Bonus Quest
  • Mga Poll

Paano ko ia-access ang aking account sa bagong website?

Gamitin lang ang kasalukuyan mong username/email address at password upang mag-log in sa bagong Ipsos iSay site.

Maaari ba akong mag-unsubscribe sa mga survey invite na email?

Sa kasalukuyan, para lumahok sa Ipsos iSay community, dapat payagan mo kaming mga-email ng mga survey invitation sa iyo. Kasalukuyan naming pinagsisikapan na bigyan ka ng opsyon na mag-opt out sa mga survey invitation na email at manatili pa rin sa panel, kaya manatiling nakatutok! Sa ngayon, kung ayaw mong makatanggap ng mga survey email, maaari mong i-terminate ang iyong membership.

Ano ang nangyari sa aking personal na impormasyon?

Ang iyong personal data ay nailipat sa aming bagong website at hindi mo na kailangang magbigay ulit nito.Magbasa dito ng higit pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang personal na impormasyon: https://www.ipsosisay.com/fil-ph/privacy-policy

Nagkaroon ba ng mga pagbabago sa Mga Tuntunin at Kundisyon?

Oo, na-update ang Mga Tuntunin at Kundisyon. Para patuloy na sumagot ng mga survey sa Ipsos iSay ,hihingin ulit ang pahintulot mo.

Paano ako magkakaroon lagi ng komunikasyon?

Lahat ng aming email ay manggagaling na ngayon sa bagong address na ito: surveysPH@ipsosisay.com. Tiyaking wala kang mapapalampas na mga balita at reward sa pagdagdag sa amin sa iyong contacts list, o, kung may Gmail account ka, i-click at i-drag ang isa sa aming mga email sa Primary tab, sa itaas ng iyong Gmail interface.

Pwede mo ring gamitin ang parehong address para kumontak sa amin.

Maaari pa rin ba akong sumagot ng mga survey sa mobile?

Oo! Makakasagot ka ng mga survey kahit nasa lakad sa pag-access sa aming website, na ipsosisay.com, nang direka sa iyong mobile.